Marami tayong pagdiriwang na isinasagawa kaugnay ng debosyon sa mga patron at santo.
Naiibang debosyon sa Sto. Niño ang Sinulog sa Cebu. Ang sayaw na Sinulog, isang bahagi ng pagdiriwang para sa Sto. Niño, ay serye ng mga galaw na isinasabay sa ritmo ng tuluy-tuloy ng pagtugtog ng mga tambol. Nagmula sa salitang sulog ang sinulog na ang kahulugan ay daloy. Tuwing Enero, kadalasan ay ikalawang linggo, dinarayo ng mga tao ang Cebu para sa selebrasyon ng Sinulog. Ayon sa tradisyon , tinulungan ng Sto. Niño ang mga Cebuano noong panahong sinasalakay sila ng ilang di-Kristyano. Ayon sa ilan, noong panahong lubha nang napipinsala ang mga taga Cebu, pinaglaho ng Sto. Niño ang Cebu upang di-matagpuan ng masasamang-loob.
Ang mga naunang labanan sa pagitan ng mga Cebuano at masasamang-loob ay isinasadula ng mga batang kabilang sa Sinulog.Gamit ang mga bolo at pananggalang, lumulundag sila habang isinisigaw ang "Pit Señor ,Sto. Niño ," kasabay ng pagsayaw ng Sinulog. Kadalasan, may hawak na kandila ang mga mananayaw. Luluhod sila sa harap ng Sto.Niño, magsisimula sa mabagal na pagsayaw at unti-unting bibilisan kasabay ng unti-unti ring pagbilis ng ritmo ng tambol. ikakaway nila ang kanilang mga kamay sabay ng pagsigaw ng "PIT SEÑOR!" habang bumibilis ang ritmo ng tambol. Walang partikular na kahulugan ang ekspresyong pit maliban sa ito ay ginagamit na tulad ng viva.
Maituturing na ring panalangin ang Sinulog. Isinasagawa ito bilang petisyon o pasasalamat sa mga kahilingan. Isinasabay rin ito sa siyam na araw na nobena para sa patron. Pinakatampok na okasyon ng selebrasyon ang pansiyam na araw. Tinatapos ito sa isang prusisyon ng imahe sa bisperas at misa sa mismong araw ng kapistahan.
Marami rin sa mga sumasali sa prusisyon ang nagmumula sa kalapit na mga bayan. Dumarayo sila upang magbigay-kahilingan sa pagpapagaling sa pansariling karamdaman o sa sakit ng kapamilya. Inilalagay sa balikat ng mga sanggol. umuupa pa minsan ng mga propesyunal na mananayaw ang mga may kapansanan na hindi makasali sa sayaw.
Kadalasan, dala ng mga mananayaw ang isang listahan ng petisyon na kung tawagin ay tinogon. Sa mga pagkakataong hindi makadalo ang mga may kahilingan, babasahin ng mananayaw ang pangalan ng may petisyon bago magsimula ang sayaw. May mga magulang sa nagdadala ng damit ng kanilang may sakit na anak. Ito ang ibinibigay sa mananayaw na kanilang inupahan. Nagmumula rin sa iba't ibang sektor at antas ng pamumuhay ang mga sumasayaw ng Sinulog.-may mayaman ay may mahirap.
Bahagi ng isang relihiyosong pagdiriwang ang Sinulog. Ito ay isang malikhaing pagpapahayag, isang panawagan ng tulong, isang pagdulog ng kahilingan, isang sigaw ng pasasalamat o ekspresyon ng pag-asa. Para sa isang Cebuano, isang pahayag ito ng pananampalataya na naipamamalas sa tulong ng kamay, paa, katawan at kilos.
Sa paglipas ng panahon, unti-unti nang nawawala ang orihinal na kahulugan ng SINULOG - pagwawagi laban sa naaping kaaway. Ngayon, ito ay isanang pagdiriwang ng pananampalataya.

No comments:
Post a Comment